"Tama nga ang nanay ko, you are just another face. Narealize ko ito the day before ng birthday mo. Matanda ka na nga nag papacute ka pa. Pero hindi talaga yun ang tunay na dahilan ng aking pamamaalam. Naiinis ako dahil gwapo ka na nga nag papacute ka pa. Hindi mo pa ba nahahalata?? Lahat kaya kami may crass sayo. As in ako at sampu ng aking mga kaklase... Binalewala ko na ang age difference natin ngunit ang hindi ko talaga pwedeng baliwalain ang pagka medyo wrong grammar ng question mo nung prelims... Unang question pa naman...
(Blank does blank blank occurs?) Parang mali talaga e... ewan...
Eto pa, narinig kitang may kausap sa phone ang sabi mo "kumain ka na ba?" gamit mo pa ang iyong sweetest voice... Ano yan?? Hindi pa nga tayo niloloko mo na ako?? Hinanda ko pa naman ang aking sarili sa maaaring maging itsura ng anak natin kasi you know... gwapo ka at "maganda" ako... ( haha! )
"Kaya ikaw, wag ka na mag sorry sorry dyan! Gaya nga nung sinabi sa isang book e Love means never having to say you're sorry... Pero dahil mukang hindi mo na nga ako love, e sige! Saktan mo na ako. Durugin mo na ang aking munting puso. Okay lang. Dahil kahit baliktarin mo man ang universe, hindi mawawala ang katotohan na minsan ay may isang prof at isang estudyante na lubos na nag mahalan... Ilang buwan din tayong naging masaya...
"So goodbye na ba talaga?? Kung para sa isa't isa naman talaga tayo, magkikita parin tayo ulit diba?..."
Nung August 22 pa yan... Wala kasi net e... Nag baha pa...
♥♥♥ Jasha Lee